Song Cover Image

Nasaan ang Biyaya?

V6

Nasaan ang Biyaya? [Verse 1] Dumating ako para sa salitang magbibigay lakas, Sa aking pag-alis dagdag na sugat ang dinanas. Buhay ay sinukat ng mga sagot na nakasanayan, Pagkalito’y tinawag pananampalataya’y kulang. [Pre-Chorus] Tu mango ako, puso ko’y nanahimik, Ngumiti sa hatol, nilunok ang sakit. Ito ba ang kaaliwang nais Mong I bigay? Bakit lalong bumigat ang pasan sa aking paglisan? [Chorus] Nasaan ang biyaya na kailangan ko? Nasaan ang awa sa kalagayan ko? Mga lunas ay napakinggan, ngunit di angkop sa karamdaman; Tinig ng tao ay kay ingay, ngayong gabi, ang hanap ko ay Iyong tinig. Ano ang gagawin ko sarado na ang pintuan? Kasinungalingan nga ba ang sugat na ito? [Verse 2] Binibigyan nila ako ng listahan at payak na kasagutan, Na para bang bawat sugat ay may tamang hulma at dahilan. Ngunit walang nagtatanong kung ano ang pinagdaanan ko, O bakit kaya kong manalangin ngunit halos di na mabuhay. [Pre-Chorus] Hindi ko hinihinging gawing banal ang mali, O gawing utos ang bawat pagnanasa ng puso. Hanap ay taong handang umupo sa katahimikan, Bibigkas ng katotohanang naaabot ang kalagayan. [Chorus] Nasaan ang biyaya na kailangan ko? Nasaan ang awa sa kalagayan ko? Mga lunas ay napakinggan, ngunit di angkop sa karamdaman; Tinig ng tao ay kay ingay, ngayong gabi, ang hanap ko ay Iyong tinig. Ano ang gagawin ko sarado na ang pintuan? Kasinungalingan nga ba ang sugat na ito? [Bridge] Marahil magsisimula ako sa isang tapat na salita: “Diyos ko, pagod na akong magkunwaring ayos lang ako.” Marahil ang Iyong tinig ay hindi nagmamadaling ayusin ako, Kundi nananatili sa tabi ko hanggang muli akong makatayo. Bigyan ng pananampalatayang harapin ang walang kasagutan, Budhing mahabagin, hindi pina talas ng takot. Kung hindi man ako nauunawaan ng mga tinig sa paligid ko, Sa Iyong habag masusumpungan ko ito. [Final Chorus] Nasaan ang biyaya na kailangan ko? Sa mga tanong na hindi ko kayang lutasin. Mga tinig ng tao, hindi ko ipagkakamali; Sa awang tinanggap ngayong gabi. Ano ang gagawin ko sarado na ang pintuan? Akayin Mo ako, sa katapatan at kahabagan sa bawat hakbang [Outro] Dumating ako para sa salitang magbibigay lakas. Katanungan ay nanatili, mabigat na pasan ay bahagyang naibsan. Ang Iyong tinig ay mas tahimik kaysa sa lahat nilang kasagutan, Pakikinggan ko ang pag-ibig sa aking paghakbang.