
Ibong Adarna (Unplugged) [TAG]
A modern retelling of longing and enchantment, Ibong Adarna drifts through myth and moonlit desire. With glowing guitars, dreamlike ambience, and whispered confession, the song follows a heart spellbound by a beauty that feels unreal—here for a moment, gone like a wingbeat in the dark. Originally written on August 18, 2005 and later compiled in My Book Project. jpbbantigue.com ++++++++++++++++++++++++++++++++ Nakita kang naglalakad, sa kabila, nakatingin ang lahat— pero ako lang ang nahulog. Ang paligid naglaho, ikaw na lang ang liwanag, mala-anghel mong ningning sa dilim. Nang napatanga ako sa’yo, oras ay bu—ma—gal… tulog ba ako? o gising sa panaginip? Awitan mo ako, Ibong Adarna, para sumpa mo’y maalis. Ngiti mong malamlam, tumutunaw ng yelo sa dibdib. Ganda mo’y parang isang panaginip, lumipad ka… iniwan akong nananabik. Umiihip ang hangin, dampi sa iyong mukha. Pabango mong dumaan— tila musika sa gabi. Nang lapitan ang Adarna, oras ko’y tu—mi—gil… at ako’y naglaho sa panaginip. Hindi ako makagalaw… natameme, naging bato. Sa awit mong dumadaloy, ako’y nagiging alon. Awitan mo ako, Ibong Adarna, para sumpa mo’y maalis. Ngiti mong malamlam, tumutunaw ng yelo sa dibdib. Ganda mo’y parang isang panaginip, lumipad ka… iniwan akong nananabik. Hindi na kita matanaw… Ibong Adarna… sa dilim ng aking fantasia.


