
[Verse 1] Sigurado bang tayo ay nakaiintinding tunay T'wing inaalaala at; pinagbubulay-bulay [Verse 2] Pitong libo ay kalat, arkipelago nati'y salat Arkipelago ay salat, di lang sa yaman, at luwat [Refrain] Kalayaang mamahayag, animo ay pusong banlag [Verse 3] Wika nating Filipino, t'wing Agosto lang panalo Sa mamamaya'y wala 'to, wikang Tagalog, palalo [Refrain] Pagkat ibang dayalekto, pang-museyo lang at kulto Bukod sa 'Biag ni Lam-Ang,' 'no pa'ng k'wentong nasaulo? [Pre-Chorus] 'Di ga't kuwento at tula; mga himig-awit at indak; Sa Tagalog nasusulat? Kaya't pa'nong malaya at; nasasabing tayo'y di ba't; salat? Wika'y Tagalog lang mulat. [Chorus] Ating tatandaang tayo'y, may wikang dami ng tala. Tatlong tala, dilaw-araw, bughaw at pulang bandila. Hindi ba't ito'y patunay, hindi ganap na malaya? Alibata ay winalis, sulok kaluluwa'y dusa [Repeat Refrain] [Repeat Pre-chorus] [Repeat Chorus]

