
2-stroke (rock reggae)
[Verse 1] Sa malamig na umaga; Ikaw ay pag-iinitan Tatakpan ang iyong bibig, habang pinapadiyakan [Verse 2] 'Pingutin ka sa 'yong tenga, ngunit 'di ka masasaktan Ganti mo pa nga ay angil, na may himig kasiglahan [Pre-Chorus] T'ya'ka tayo'y maglalakbay, malamig na hangi'y; ginaw! Umaandap pa'ng 'yong mata, daa'y halos 'di matanaw [Chorus] S'yang garalgal mong atungal, dinig ni 'nong 'di ka tanaw Kaya hindi nangangamba, marating ng punding ilaw [Refrain] Aking kay'bigang matalik, 'kaw mula ng mamanhikan 'Tinakas ka sa 'king ama; Lulan aking kasintahan [Bridge] Sumulat sa 'ming alamat, gasolinang malakasan Kami'y nagpatangay-agos, pag-ibig may kahindikan [Verse 3] Wari ba; kaming dalawa, dinuyang nagtatampisaw Tinupok ng paglagablab, pagkalito't pagkasilaw [Coda] Hanggang sa huling pagpiga, kamay sa aki'y bumitaw Nalamang 'kaw'y salawahan, ang nais mo lang ay layaw

