
Paalam... Kamusta? (Gangsta)
[Instrumental Intro] Araw ay bumubukas sa kalangitan... Habang ating paa'y pasulong na lumalakad Inaalaala... (Bago tuluyang bumuhos ang mga luha) Tayo nga ay magtatapos na... [Verse 1] [Rap part] Hirap sa paggising sa bawat umaga Walang lasang gustong tikman ang sikmura Araw-araw ay ganitong tulog ang diwa Ngunit sa pagtitiyaga ninyo sa akin Mga magulang kong nagsikap akong himukin Ngayon naging ganap ang aking kislap, aking bituin Minsa'y walang tiyaga sa gawain sa eskwela Nahuhuli mo mga pilas ng pahina sa 'king kwaderno Sino itong espesyal na bumihag sa puso ko Pangamba mong ito ang dulot ng pagkasira ng pag-aaral ko't baka magarote mo ako. [Refrain] Tanaw kita sa 'di kalayuan (Mga upuan lang sa atin ay pumapagitan) Pareho pa rin ba tayo ng eskwelahang papasukan? Kaninong kamay ang una mong hahagkan? [Verse 2] [Rap part] Minsan nga tayo ay nag-away Sa maliliit, at walang katuturang bagay-bagay Kinuha mo ang lapis ko, (Ang puso ko ay nakabig mo) Pumilas ng pahina sa notebook ko (Pumasok ka sa natutulog kong mundo) Sa oras ng uwian, hindi mo ako sinabayan Ilan lang sa mga alaalang natutunan ko nang balikan. Isinumbong kita kay mam Siya ang naging shoulder to cry on ko, Sa tuwing malilimutan mong "tayo" (Em Yu; may "Maling Ugnayan" yata tayo) 'Di kita mabanggit sa mga magulang ko, (At baka kanilang masakal ako) Kaya't kinabukasan tayo ay may samaan. Ilan lang sa mga alaalang natutunan ko nang balikan. [Refrain] Tanaw kita sa 'di kalayuan (Mga upuan lang sa atin ay pumapagitan) Pareho pa rin ba tayo ng eskwelahang papasukan? Kaninong kamay ang una mong hahagkan? [Chorus] Hindi ko mapigilan ang pagluha Bawat patak nito ay mga gunita Masasayang alaalang kaysarap balikan Malulungkot ma'y 'di tinalikuran Naging bahagi ng sarili At kailanma'y hindi na hihikbi Kaya't punasan ang iyong luha Paalam... Kamusta? [Bridge] Pagkatapos ng seremonyang ito, Hahanapin kita ng tingin. Sa aking mga mata'y ikaw ay ididiin! Ikaw ang bumuo sa aking pangarap (Umagaw sa isip at puso ko) Sa tuwing kunwari'y nag-aaral ako [Outro] [Rap part] Ngunit sa pangaral at gabay ng ating mga minamahal. Mga kaanak (Mama, papa, ate, kuya, bunso) Sa aming mga guro (Mam, ser!) Sa mabubuti nating kaibigan, classmate (Crushmate?) Hindi ko malilimutan, mga karanasan, natutunan, dinamdam, Mga aral ng buhay sa matalinhaga ninyong gabay Paalam... Kamusta?

