
Tinig ng Katahimikan ⁰⁷
Verse 1 Dilim, dating kaibigan Nandito akong muli May pangitain na dumarating May tinig nang ako'y mahimbing Ang pangitain sa isip ko natanim Nandito pa rin Sa tinig ng katahimikan Verse 2 Sa bangungot, ako ay nagising Daang makipot at madilim Sa silong ng ilawan sa daan Niyakap ko ang sarili sa lamig Nang ang mga mata ko'y nasilaw sa ilaw Nahati ang gabi Ginaláw ang katahimikan Verse 3 At sa liwanag nakita ko Sampung libo, baká higit pa May sinasabi, walang salita May nakinig, walang narinig Nagsusulat ng awit na hindi naisatinig Di ginambala Ang tinig ng katahimikan Verse 4 Sabi ko, di niyo alam Palala ang katahimikan Makinig at turuan kita Hawak upang maabot kita Ngunit ang tinig ko ay katahimikan Mga álon Sa mga balón ng katahimikan Verse 5 Yumuko at nanalangin sila Sa diyos na kanilang ginawa At ang senyal ay nagliwanag May binubuong mga salita Mga salita ng mga propeta ay nakasulat Sa mga pader At ginambala ang katahimikan

