
[Chorus: Flow-G] Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala Babatiin ka kahit hindi mo kakilala Lahat ng kakilala ay makakaalala 'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na Wala kang pakinabang (Pakinabang) Sa mata ng nakinabang (Nakinabang) Pagkatapos makinabang (Makinabang) Wala ka nang pakinabang (Pakinabang) [Verse 2: Emcee Rhenn] Sabi nila, "Wala kang pakinabang, 'di ka na kailangan" Kailangan daw 'yong bago, bagong magagatasan 'Yong hindi na pumapalag, laging opo ang sagot At higit sa lahat ng 'yon, 'yong bobong 'di magtatanong Mahabang panahon ang ginugol ko para marating ang katayuan ko Pawis, luha, oras at patak ng dugo ang puhunan ko Pumusta nang walang katiyakan sa larong no'n 'di ko alam Hanggang sa guminhawa at ang bulsa ko ay magkalaman Bigla nang nakilala, tumabi na ang kumilala Kahit na 'di ko kakilala lahat gusto na makasama Kahit na 'di ko kapamilya, lahat sa'kin ay umaasa Laging nakasahod, unahan pa sa pila, lahat gustong tumamasa Ganyan sila pero bigay lang kasi meron pa Ba't ngayon biglang nag-lay low? Porke't bangkosero na 'Yong mga dati na linta, noon saan na napunta 'Yan sila 'pag walang mahita sa'yo ay tapon ka (Pweh!)

