Song Cover Image

Kalsada, Saksi Mo

Hoy ! Hoy ! Kaibigan, Pede bang tumabi ka dyan, Bakit ba naka harang ka sa Daan, Masikip na nga at Wala pang malulusutan..... Ang pedestrian lane, para saan ba to? Sa ibang Bansa, sasakyan Ang humihinto.... Sa Pinas,...? Uhmm. .. tao Ang humihinto... "Naman..!" Chorus Bayad nga po, dyan lang po.. Malapit na po, sukli ko po... Ayyy! Teka saan ba byahe nyo? "Para.....!" Sa baba-an lang po.... Miss bayad mo, ito Ang ticket... Usog ka po at masyado na masikip... May bakanteng upuan, siya'y sumingit.. Naka tulog siya habang Ang gamit ay bit bit... [RAP] Kalsada, tahimik kang saksi. Sa yapak ng mga batang paa, sa takbo ng mga pangarap na nagmamadali.Hindi ka napapagod humawak ng lahat — pasan mo ang saya, luha, at pagod ng bawat isa. Umaga, punuan ka ng jeep at tricycle. Tanghali, kumukulo ka sa init. Gabi, binubulungan ka ng mga naglalakad pauwi na bitbit ang sahod, gutom, at pag-asa. May nadulas. May natuto mag-bike. May nag-propose sa tabi ng poste. May umiyak habang naghihintay ng walang kasiguraduhan. Lahat, dinaan ka. Bitak-bitak ka na minsan. Binabaha, inaaraw, inaapakan. Pero kinabukasan, nandiyan ka pa rin.Handang maghatid. Handang mag-uwi. Kalsada, hindi ka lang semento at aspalto. Ikaw ang ugat ng bayan. Daanan ng pag-ibig, paghihirap, at pagbangon. "Hangga’t may taong gustong makarating,...hinding-hindi ka mawawalan ng kwento."