
Wala Lang (Unplugged) [TAG]
A quiet midnight confession wrapped in warm acoustic strings and soft city-night ambience, Wala Lang (Unplugged) drifts through shy messages, small joys, and unspoken affection. Intimate, hesitant, and hopelessly sincere — a late-night conversation that lingers long after the phone goes silent. Originally written on May 16, 2005 and later compiled into My Book Project. jpbbantigue.com ++++++++++++++++++++++++++++++++ Gabi-gabi'y na-iisip ka habang nakahimlay sa aking kama. Patext-text sa’yo ng kung anu-ano upang sana nama’y pansinin mo ako. Dahil… Ewan ko ba kung bakit ganito, kaunting usap lang natin, masaya na ako. Kanina’y tinawagan kita’t umaasang magkakausap tayong dalawa muli. Dahil… Wala lang. Gusto ko lang. Hindi ko alam kung napapansin mo, pero tuwing nag-si-seen ka, kinikilig ako. Tapos, kapag di ka nag-reply— ayun, iniisip ko na naman kung may nagawa akong mali. Minsan na-iisip ko na sana ikaw din, napapangiti ko bigla. Kahit isang segundo lang, sapat na para gumaan ang buong gabi ko. Kung okay lang, baka pwede… konting oras mo lang ulit. Hindi naman ako nang-iistorbo— namimiss lang kita kahit hindi naman dapat. Wala lang. Gusto ko lang. Gusto kong marinig ka kahit sandali lang. Kung pwede sana, wag ka muna magpahinga, kwentuhan mo muna ako kahit tungkol sa wala. Wala lang. Gusto kita — kahit hindi ko alam kung tama pa ba. Kung ayaw mo, okay lang din… Nasanay na akong maghintay ng “Hi!” mo sa akin. Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo ako — gusto lang kitang kausap bago matulog. Wala lang. Gusto ko lang.


