[Verse 1] Kung wala na ngang kapayapaan Kung wala na ngang katahimikan Hangga't nandito ka’y mahirap pang mamatay Patuloy akong mabubuhay [Verse 2] Kahit magkaroon pa ng palasyo Kahit dalhin ako sa paraiso Kung ikaw naman sa akin ay mawawalay Paligid ko’y wala ring kulay [Chorus] Aanhin ko ang ganda nitong mundo Kung walang natagpuan na katulad mo? Kahit langit man ay 'di ko makita Mas nanaisin ko pa rin kung nasa'n ka [Verse 3] Ikaw ang katuparan ng pangarap Ikaw ang kasagutang hinahanap Pagkakasilang ko'y nagkaroon din ng saysay May dahilan na ang paglalakbay [Chorus] Aanhin ko ang ganda nitong mundo Kung walang natagpuan na katulad mo? Kahit langit man ay 'di ko makita Mas nanaisin ko pa rin kung nasa'n ka [Guitar Solo] [Chorus] Aanhin ko ang ganda nitong mundo Kung walang natagpuan na katulad mo? Kahit langit man ay 'di ko makita Mas nanaisin ko pa rin kung nasa'n ka Kung nasa'n ka, ah, ah-ah [Coda] Aanhin ko ang ganda nitong mundo Kung walang natagpuan na katulad mo? Kahit langit man ay 'di ko makita Mas nanaisin ko pa rin kung nasa'n ka