‎[Humurous Pedicab Chase Rhythm with Bond theme song feel] ‎ ‎[Intro] ‎ ‎[Verse 1] ‎Pedicab sa kalsáda ng Mangaldan, "dust" sa hángin, sumasabáy ‎May "walkie-talkie" sa grípo,  ‘di alám ng pasahero't kaaway ‎Nárinig ko sa radyo  na may sabwatan daw sa San Manuel ‎Kailangang i-repórt agád péro ang pasahe'y di pa nasingíl ‎ ‎[Chorus] ‎Hazzard sa likód! May "black van" na sumusunód! ‎Tiníra ko ang yutërn sa palengke, may itinápon akóng bente ‎Pedal to the metal  kahit ito lang ay traysikel ‎"Bond" ng probinsya’y di nagpapatálo—lalo na kapág gutóm akó! ‎ ‎[Inst] ‎ ‎[Verse 2] ‎Nakíta kong si Áling Néna  biglang may free halo-hálong offer ‎Péro ang yélo’y may "microchip"  at ang takíp ay GPS tracker ‎Dali-dali kong binágo  ang rúta papuntang "water gate" ‎Gámit ang páyong bílang paráw, tumalón sa canál na mapútik ‎ ‎[Chorus] ‎Hazzard sa likód! May "drone" na nasá úlap! ‎Naghágis ng manók, tumakas nang pa zigsag ‎"Pedal to the metal"  káhit pawísan na’t hi-ngál ‎"Bond" ng probinsya’y di susúko—lálo na kapág may delivery pa akó! ‎ ‎[Bridge] ‎Hindi akó "trained" sa Langley,  ‘di marúnong mag "martial art" ‎Péro kapág báyan ang nasá pa-ngánib,  káhit traysikel ay magíng jetpack ‎ ‎[Chorus] ‎Hazzard sa likód! Péro siláng humahabol ang takót ngayón ‎Dáhil sa likód ng upúan  may  "smoke bomb" at "confetti cannon" ‎"Pedal to the metal"   hábang kumakánta ng "heavy metal" ‎"Bond"  ng probinsya’y tapós na—péro búkas, may pasahéro pa ‎