
[Verse 1] Ngalan ng isang bayani, kung sa isip ay isasagi. O, kaya ay patungkol sa buwan. Nag-iisa sa ating kalangitan. [Pre-Chorus] Aking Luna; luwa ang mata, pinid ang isip sa samu't saring saya. Pilit ko man siya ay pakawalan, kalimutan; bawat hakbang ko, tungo'y kawalan. [Chorus] Kanlong ko man siya sa twina. Sa paglirip ng aming mga mata; sabay kaming nagsasapantaha. Mahal nga ba namin ang isa't isa? [Refrain] Araw-araw iyon ang aming diwa. Naisin ko mang kanyang malasin; O, Luna kailan mo ako papansinin? Lagi sa akin ay malayo ang tingin. [Bridge] Wari ako ay isang manliligaw, habang ang puso ay naliligaw. Sinusuyo ang isang pakipot na ikaw, hindi ko magawang makantiyaw [Verse 2] Si Luna ay isang dumalagang babae; isang Chihuahuang saksakan ng arte. Sa bawat sadali't inaraw-araw, pagkai'y iba-iba; masasarap na putahe. [Verse 3] Bagaman ang Luna ko'y prinsesang-tasa; Siya'y patatas na nakabilot sa aking kama, Kasiping kong managinip sa twina. Sa 'yo ay walang papantay, o aking Luna. [Coda] Lampasan ang gulang na dalawa't sobra pa. 'Pagkat sa piling ko; ikaw ay nag-iisa. Kaya nais malamang ganap iyong damdamin. Upang lumigaya ka sa twina sa 'king piling

