
Espiya ng Probinsya (1)
[Style: Classic James Bond Swagger with Country Twang] [Intro] [Verse 1] Pasáda sa Mangaldan, umága hanggang hápon May pulá’t putí na bandána, párang isáng hapón Sa ilálim ng upúan, may satelayt tracker "Coded message" ng CIA sa báon na cracker [Chorus] Espiya ng probinsya, waláng martini glass Péro may gatílyo sa páyong kapág biglang may blast Dumudulás sa kalsáda, párang bída sa pelikula Ililigtas ang San Manuel dam, ‘di lang dahil sa péra (para sa bansa) [Inst] [Verse 2] Nakíta si Mayor Luna, may kaúsap na estranghéro May planong siráin ang dam pára baháin ang mga baryo Kinagabíhan, nag-íkot siya sa likód ng "water gate" Gámit ang "flashlight" na ka-sync ng "drone" sa langit [Chorus] Espiya ng probinsya, kahit waláng "Aston Martin" Péro ang traysikel may 'turbo boost" namán din Dumudulás sa kalsáda, parang bída sa pelikula Ipagtanggol ang San Manuel dam pára sa madla (di lang sa pera) [Bridge] Hindi siya isang "star", ‘di rin ex-militar Pero kapag tináwag ng báyan, handa upang lumában Sa báwat pedál at paghingál, ang ipaglában ay dangál [Chorus] Espiya ng probinsya bákit ba ‘di mo siya pansin? Púro alikabok ang sapátos pero malínis ang hangárin Dumudulás sa kalsáda párang bída sa pelikula Ipagtaggol ang San Manuel dam hindi pára sa péra (pára sa bánsa)

