Song Cover Image

Tinig ng Katahimikan ¹⁰

‎Verse 1 ‎Dilim, dating kaibigan ‎Nandito akong muli ‎May pangitain na dumarating ‎May tinig nang ako'y mahimbing ‎Ang pangitain sa isip ko natanim ‎Nandito pa rin ‎Sa tinig ng katahimikan ‎ ‎Verse 2 ‎Sa bangungot, ako ay nagising ‎Daang makipot at madilim ‎Sa silong ng ilawan sa daan ‎Niyakap ko ang sarili sa lamig ‎Nang ang mga mata ko'y nasilaw sa ilaw ‎Nahati ang gabi ‎Ginalaw ang katahimikan ‎ ‎Verse 3 ‎At sa liwanag nakita ko ‎Sampung libo, baká higit pa ‎May sinasabi, walang salita ‎May nakinig, walang narinig ‎Nagsulat ng awit na hindi naisatinig ‎Di ginambala ‎Ang tinig ng katahimikan ‎ ‎Verse 4 ‎Sabi ko, di ninyo alam ‎Palalá ang katahimikan ‎Makinig ka't maturuan ‎Humawak at maka-ahon ‎Ngunit ang tinig ko ay katahimikan ‎Mga álon ‎Sa mga balón ng katahimikan ‎ ‎Verse 5 ‎Yumuko at nanalangin sila ‎Sa diyos na kanilang ginawa ‎At ang senyal ay nagliwanag ‎May binubuong mga salita ‎Mga salita ng mga propeta ay nakasulat ‎Sa mga pader ‎At ginambala ang katahimikan ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎