Song Cover Image

Mangaldan Drayber (14)

‎ ‎[Intro] ‎[intermittent horn blare] ‎ ‎[Verse 1] ‎Ang tagal ko nang namamasada ‎Ang ginagamit ko'y traysikel ‎Ang bawat lubak ay alam ko ‎Kahit ang bako-bakong mga kanto ‎Kung saan ang tamad ay talo ‎At ang suwapang naman ay laging binabato ‎ ‎[Pre-Chorus] ‎Maraming mga kompromiso ‎Sa propesyon kong ito ‎Ngunit ayos lang ‎Nakakaraos naman.... ‎ ‎[Chorus] ‎Ako'y Mangaldan drayber ‎Ng traysikel na medyo may kalumaan na ‎Traysikel drayber ‎Nagsasakay ng pasahero kahit di ko kilala ‎Ngunit ang iba'y contacts sa cellphone ko ‎ ‎[instrumental interlude] ‎ ‎[Verse 2] ‎Tinitiis ang panahong mainit ‎Nagtitiis din sa taglamig ‎Pati na rin ang alikabok ‎At ang nakakaubóng úsok ‎Kahit may mga pasaherong kapós ‎Ang iba naman ay nagbibigay nang lubós ‎ ‎[Pre-Chorus] ‎Marami ngang kompromiso ‎Sa propesyon kong ito ‎Ngunit ayos lang ‎Nakakaraos din naman... ‎ ‎[Chorus] ‎Ako'y Mangaldan drayber ‎Ng traysikel na medyo may kalumaan na ‎Traysikel drayber ‎Nagsasakay ng pasahero kahit di ko kilala ‎Ngunit ang iba'y contacts sa cellphone ko ‎ ‎[instrumental interlude] ‎ ‎[Pre-Chorus - More intense] ‎Marami mang kompromiso ‎Sa propesyon kong ito ‎Ngunit ayos lang ‎Nakakaraos din naman... ‎ ‎[Chorus - More intense] ‎Ako'y Mangaldan drayber ‎Ng traysikel na medyo kalawangin na ‎Traysikel drayber ‎Naghahatid ng pasahero kahit estranghero pa ‎Ngunit ang iba'y mga suki ko na ‎ ‎[Outro - Fades out] ‎Mangaldan drayber ‎Ng traysikel na medyo idya-junkshop na ‎Traysikel drayber ‎Nagsasakay ng pasahero kahit tagatulak pa ‎Ngunit ang iba'y gumagamit lang naman... ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎