[Verse 1] Magandang umaga, mga mag-aaral Bati twina, mula Lunes hanggang mapagal Kumuha ng papel, isulat ang pangalan, baitang, at pangkat Lakipan ito ng kaunting pangangarap [Verse 2] Iwasan ang pagsipi sa iyong katabi, 'di ba't ang paalaala'y kaya mo yan; lagi? Tanging matatamis na salita mula sa labi Yun ang utos ng ahensya, batas pa nga, sabi. [Chorus] Naisin mang putulin ang suong mong sungay 'Di maaari pagkat sa kanila'y may naghihintay Tiyak sa kanilang propesyon ay lalatay Liwanag ng lampara'y matagal nang pinatay [Refrain] Hila mo rin ang iyong buntot, at nakalatag Matapakan ito'y tiyak ika'y makikipagbabag Ugali ng mga bata ngayon, ay pabalagbag Guro'y wala nang maigaganti kundi ang sumalag [Verse 3] Inilayo na ng sistema ang tunay na diwa, Mga kabataang hanap, ay tunay na kalinga Halaga na lang nga'y pansarili na lang twina Pakikipagkapwa'y 'di mo na ramdam ang diwa [Bridge] Child Protection Policy, idagdag mo pa ang SOGIE... Tiyak ako, lahat tayo ay masasadlak Hibla ng lipunan nati'y matagal nang warak [Coda] Mga tanglaw sa madaling hinaharap Asahan na sila'y 'di na muling kikislap Habang unti-unti ang kanilang pugnaw, pinapalitan ng A.I, hanggang sa pumanaw