
[verse] Meron Pa ba akong patutunguhan Kahit buhay ko’y mali ang nilikuan Niligaw na ako ng kasalanan Ngayon ay tila nasa kawalan [pre chorus] Pilit kinakalimutan ang nakaraan Upang ang pagkilos mo ay matunghayan Ang bagong buhay ko’y Inyo nang sinimulan May sariwang awa akong mararanasan [chorus] Pagkakataon ang inihahatid mo sakin Pagkakataon nung ako ay iyong patawarin Pagkakataon dulot ng Iyong kabutihan Pagkakataon sa bagong buhay mong laan [verse] Marami pa Sana akong mapupuntahan Laging nakaharang ang maraming dahilan Hirap ako sa sariling kapatawaran Ngunit ang awa mo nagbigay ng paraan [pre chorus] Pilit kinakalimutan ang nakaraan Upang ang pagkilos mo ay matunghayan Ang bagong buhay ko’y Inyo nang sinimulan May sariwang awa akong mararanasan [chorus] Pagkakataon ang inihahatid mo sakin Pagkakataon nung ako ay iyong patawarin Pagkakataon dulot ng Iyong kabutihan Pagkakataon sa bagong buhay mong laan [Rap] Akala ko’y tapos, wala nang pag-asa, Nalunod sa dilim, sa bigat ng sala. Ngunit ang krus Mo ang siyang nagsalita, Sa awa Mong dakila, muli Kang nag-akay sa’kin. ‘Di dahil sa lakas o bait kong taglay, Kundi sa biyayang hindi ko kayang bayaran. Pinawi Mong lahat ng aking kahihiyan, At sa Iyong pag-ibig ako’y Iyong hinawakan. Ngayon bawat hakbang ay may panibagong saysay, Ikaw ang tanglaw sa bawat umaga’t gabi. Ang dating bihag ngayo’y malayang umaawit, Sa tawag Mong banal, ako’y muling lumalapit. Kaya’t hindi na takot sa bukas na darating, Ikaw ang sandigan, Ikaw ang aawitin. Mula sa pagkadapa tungo sa pagbangon, Ang buhay kong ito’y sa Iyo lamang, Panginoon. [Final chorus-modulate on key higher] Pagkakataon ang inihahatid mo sakin Pagkakataon nung ako ay iyong patawarin Pagkakataon dulot ng Iyong kabutihan Pagkakataon sa bagong buhay mong laan Pagkakataon ang inihahatid mo sakin Pagkakataon nung ako ay iyong patawarin Pagkakataon dulot ng Iyong kabutihan Pagkakataon sa bagong buhay mong laan

