Nakakita ka na ba ng bayodeytang Ilokano? Ng Hiligaynon, Ibatan, ng Waray, o ng Sebwano? Tayo nga ba'y lumalaya sa 'ting wikang Filipino? O, 'di kaya'y nahihibang, 'sinawalang bahala, oo. Totoo bang umuunlad, wika ng ating 'sang bansa? Kung dayalekto'y kalidad 'di 'palaganap 'san laya Anong kaysarap isipin, mga Pilipino'y sumasalita Sumusulat, naglilimbag, nag-aakda't tumutula Simula nito'y maabot, kung pairalin 'tong puso Nababalot ng pag-ibig sa iba't ibang mga kwento At sari-saring mga tula, nobela, sanaysay, himno Samu't sari't iba't ibang, lenggwahe, at dayalekto Kayraming wika natin ay, sa gubyerno at eskwela Gamitin, pakabuhayin, pagyabungin, at i-bala Sa mga pluma at pamana, sa henerasyon na bata Mamayani ang pagsulong, pagkakabuklod mga wika