Song Cover Image

Salubungin Mo

+ Show full styles
V5.5

[Verse 1] Hanap ko ang landas na Iyong itinakda, Daang nais Mong aking tahakin. Kapag ang isip ko’y puno ng katanungan, Ikaw pa rin ang nais kong sundin. [Pre-Chorus] Kung mauna man ang takot sa aking puso, Habulin Mo ako ng yakap Mo. [Chorus] Salubungin Mo ako ng Iyong kasagutan, Kalakasan sa aking kahinaan. Kagalingan sa aking karamdaman, Kapunuan sa aking kawalan. Salubungin Mo ako ng Iyong biyaya, Kapatawaran sa aking kasalanan. Pagmamahal sa aking pagkukulang Buhay na walang hanggan. [Verse 2] Hindi Mo hinintay na ako’y lumapit, Ikaw ang unang naghanap sa akin. Sa krus, binuhat Mo ang kasalanan ko, Upang sa biyaya Mo ako’y tanggapin. [Pre-Chorus] Kung mauna man ang takot sa aking puso, Habulin Mo ako ng yakap Mo. [Chorus] Salubungin Mo ako ng Iyong kasagutan, Kalakasan sa aking kahinaan. Kagalingan sa aking karamdaman, Kapunuan sa aking kawalan. Salubungin Mo ako ng Iyong biyaya, Kapatawaran sa aking kasalanan. Pagmamahal sa aking pagkukulang Buhay na walang hanggan. [adlibs] [Bridge] Sa krus pa lamang, sinagot Mo na ako. Sa pag-ibig Mo, niyakap Mo ako. Sa bagong buhay, may pag-asang walang hanggan. Ikaw ang tugon sa aking katanungan. [Chorus] Salubungin Mo ako ng Iyong kasagutan, Kalakasan sa aking kahinaan. Kagalingan sa aking karamdaman, Kapunuan sa aking kawalan. Salubungin Mo ako ng Iyong biyaya, Kapatawaran sa aking kasalanan. Pagmamahal sa aking pagkukulang Buhay na walang hanggan. [Outro] Salubungin Mo ako… Salubungin Mo ako… Salubungin Mo ako…