
Bato Bato sa Langit
"Bato-Bato Sa Langit" Sabi raw ni Mayor kalat ay iwasan At ang kanyang bayan ay nadudumihan Una n’yang proyekto ay ang kalinisan Nguni’t ang basura samin ay nagkatambakan Okey lang kay tsip kahit magka-traffic Dahil dito lamang siya nakakagimik Kotong dito, kotong doon Lagi na lang ganon wag ng magtatanong Tong, tong, tong, tong pakitong kitong Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit Gumising ka, itapon na ugali mong kay pangit Dito kay Congressman maraming natatakot Dahil sa sobrang yaman galing sa pangungurakot Wala na kong makita kahit konting pag-asa Ngunit ang dambuhala ang dami ng asawa Ito naman si Father masyado kung manermon Sa simbahan ay hari laging nakasabon Iwasan daw ang alak pati ang sigarilyo Kapag walang misa bunganga ay parang tambutso Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit Gumising ka, itapon na ugali mong kay pangit Kaya mga ka-kosa tayo ay manahimik Gawin ang nararapat wag tayong manakit Pagmamahal sa kapwa ang laging isa-isip Ng sa mata ng Maykapal tayo’y kaakit-akit Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit Gumising ka, itapon na ugali mong kay pangit

