
[Chorus] Hindi ko mapigilan ang pagluha Bawat patak nito ay mga gunita Masasayang alaalang kaysarap balikan Malulungkot ma'y 'di tinalikuran Naging bahagi ng sarili At kailanma'y hindi na hihikbi Kaya't punasan ang iyong luha Paalam... Kamusta? [Verse 1] Hirap sa paggising sa bawat umaga Walang lasang gustong tikman ang sikmura Araw-araw ay ganitong tulog ang diwa Ngunit sa pagtitiyaga ninyo sa akin Mga magulang kong nagsikap akong himukin Ngayon naging ganap ang aking kislap, aking bituin [Verse 2] Minsa'y walang tiyaga sa gawain sa eskwela Nahuhuli mo mga pilas ng pahina sa 'king kwaderno Sino itong espesyal na bumihag sa puso ko Pangamba mong ito ang dulot ng pagkasira ng pag-aaral ko't baka magarote mo ako. [Pre-Chorus] Tanaw kita sa 'di kalayuan Mga upuan lang sa 'tin ay pumapagitan Pareho pa rin ba tayo ng eskwelahang papasukan? Kaninong kamay ang una mong hahagkan? [Chorus] Hindi ko mapigilan ang pagluha Bawat patak nito ay mga gunita Masasayang alaalang kaysarap balikan Malulungkot ma'y 'di tinalikuran Naging bahagi ng sarili At kailanma'y hindi na hihikbi Kaya't punasan ang iyong luha Paalam... Kamusta? [Verse 3] Pagkatapos ng gradweysyon na ito, Hahanapin kita ng tingin. Sa aking mga mata'y ikaw ay ididiin! Ikaw ang unang nagbigay ng kulay, sa buhay kong may lumbay na taglay Umagaw sa isip at puso ko sa twing kunwari'y nag-aaral ako [Bridge] Ngunit sa pangaral at gabay ng ating mga minamahal. Mga kaanak (mama, papa, ate, kuya, bunso) Sa aming mga guro (mam, ser!) Sa mabubuti nating kaibigan, classmate (crushmate?) [Outro] Hindi ko malilimutan, mga karanasan, natutunan, dinamdam, Mga aral ng buhay sa matalinhaga ninyong gabay... Paalam na! Sa muli nating pagkikita! Paalam... Kamusta?

