[Verse 1] Dalawang pintuan sa pagsikat ng araw, Isa'y maluwag, isa'y mahirap daanan. Ang malawak ay puno ng saya't palakpak, Aliw at ginhawa ang siyang hinahanap. Maraming tao sa daang maluwang, Sumusunod sa agos ng mundong makapangyarihan. Ngunit sa makipot, may tawag na marahan: “Sumunod ka sa Akin, kahit mahirap ang daan.” [Pre-Chorus] Hindi pagtakas sa mundong ginagalawan, Kundi ang mata'y mulat sa katotohanan. Pasa nin ang krus, talikuran ang sarili, Kay Cristo lamang ang buhay ialay lagi. [Chorus] Pipiliin ko ay makitid na daan Kahit may luha, o may pagsubok man, Sa pagsunod kay Cristo, wala ng atrasan. Sa dulo nito ay buhay na walang hanggan. Hesus, ikaw ang aking kayamanan Pipiliin ko ang makitid na daan. [Verse 2] Hindi ko itatayo ang sarili kong trono, Hindi ko hahabulin ang papuri ng mundo. Bunga ng pagsunod, sugat ang naging sukli, Kay Cristo pa rin, ang puso ko'y mananatili. Sa gitna ng lungkot, sa gitna ng dilim, Paglakad sa matuwid, walang pumapansin. Ang krus ni Cristo sa tuwina ay alalahanin. And daan ng buhay ay ating kakamtin. [Pre-Chorus] Hindi ang madali ang dapat nating piliin, Kundi ang landas na nais ng Diyos sa atin. Sa pamilya, paglilingkod, at bawat tungkulin, Sa buhay si Cristo ang ating susundin. [Chorus] Pipiliin ko ay makitid na daan Kahit may luha, o may pagsubok man, Sa pagsunod kay Cristo, wala ng atrasan. Sa dulo nito ay buhay na walang hanggan. Hesus, ikaw ang aking kayamanan Pipiliin ko ang makitid na daan. [Bridge – Build Up] Kahit marami ang tumalikod, Ako'y mananatili. Kahit mahirap ang pagsunod, Si Hesus ang kakapit. Hindi ako mabubuhay Para sa palakpak ng mundo. Ang aking buhay, ang aking lahat, Ay kay Cristo lamang, O Hesus! [Final Chorus – Anthem] Pipiliin ko ay makitid na daan Kahit may luha, o may pagsubok man, Sa pagsunod kay Cristo, wala ng atrasan. Sa dulo nito ay buhay na walang hanggan. Hesus, ikaw ang aking kayamanan Pipiliin ko ang makitid na daan. Kahit mag-isa, hindi mangangamba, Sa bawat hakbang, ikaw Panginoon ang aking kasama. Pipiliin ko ang makitid na daan. Patungo sa buhay, kay Cristo magpakailanman! [Outro] Ang malawak na daan ay maaaring magningning, Ngunit ang makitid ang siyang dapat piliin. Sa bawat hakbang, sa bawat panahon, Kay Cristo ako'y susunod hanggang wakas.