Song Cover Image

Sa Malayo Pala Nanggaling

V6

Sa Malayo Pala Nanggaling (Curated by: Roy Per) (Taludtod 1) Noon, akala ko ikaw na, Ibinigay ko ang pag-ibig, ibinigay ko ang lahat. Ngunit sa huli, iniwan mo lang ako! Umi-iyak, nagtatanong, “Ano bang kulang sa akin?” Lumipas ang panahon, nawala rin ang sakit, Ngunit sa pag-ibig, mayro-on pa rin akong kaunting pag-asa. (Koro – change key) Ikaw pala ang pipili sa akin, Na hindi aalis, mananatili sa tabi ko. Tinatanggap mo kahit ang aking nakaraan, At nangakong sasama, hanggang sa walang hanggan. Akala ko ang pag-ibig ay wala nang patutunguhan, Sa malayo pa pala nanggaling ang aking kapalaran. (Taludtod 2) Ang mga kaibigan ko, nag-asawa na, Palagi na lang akong tagapalakpak, minsan abay pa! “Kailan ka naman?” palagi nilang tanong. “Na-traffic pa ang forever ko!” sagot kong natatawa, Hanggang sa isang araw, bigla kang dumating. Kahit dagat at milya ang namamagitan sa atin, Mas malapit ang puso mo kaysa sa mga nauna sa iyo. (Koro – change key) Ikaw pala ang pipili sa akin, Na hindi aalis, mananatili sa tabi ko. Tinatanggap mo kahit ang aking nakara-an, At nangakong sasama, hanggang sa walang hanggan. Akala ko ang pag-ibig ay wala nang patutunguhan, Sa malayo pa pala nanggaling ang aking kapalaran. (Huling Bahagi / Twist) Ngayon alam ko na kung bakit ang tagal mo, Dahil nanggaling ka pa pala sa malayong bansa! Tinawid mo ang karagatan! Akala ko na-traffic ang forever ko — AFAM! (tigil) lang pala ang aking forever.