Song Cover Image

Buhay-Padyakero ⁵

‎[Intro: Yodel] ‎ [Verse 1] ‎Naku! Anóng hírap, búhay-padyakéro, laging nasa kalsada. ‎Alikabok dito at buhangin doón ang masasagap sa tuwi-tuwina. ‎Ang init ng araw at lamig ng panahon ay palaging madarama. ‎O, talagang ganyan, dapat na magtiis ako, ito ang búhay-padyakero. ‎ ‎[Chorus] ‎[Yodelling] ‎Yo-de-lay-ee-hoo! Yo-de-lay-hoo! [2X] ‎ ‎[Verse 2] ‎Pagdating ng umaga na hinihintay, ang pamamasadang walang humpay, ‎Bundok, inaakyat, lubak, binabagtas, ang pawis ko'y tumatagaktak. ‎Ang pagkain ko, naubos, úhaw, tinitiis, ang hiningay kinakapos. ‎O, talagang ganyan, dapat na magtiis ako, ito ang búhay-padyakero. ‎ ‎[Chorus] ‎[Yodelling] ‎Yo-de-lay-ee-hoo! Yo-de-lay-ee-hoo! [2X] ‎ ‎[Bridge] ‎Ay, ay, naku, pare! Tiis lang nang konti para umabot ka sa iyong 'destiny'. ‎Magpakabit na tayo ng motor o makina, ‎kung túhod natin ay mahina na. ‎Mag-ingat lang tayo, baka hulihin na rin tayo ng mga tao ng EL-TIH-O... ‎O, talagang ganyan, dapat na magtiis tayo, ito ang búhay-padyakero... ‎ ‎[Chorus] ‎[Yodelling] ‎Yo-de-lay-ee-hoo! Yo-de-lay-ee-hoo! [2X] ‎ ‎[Outro: Yodel fades out]