
[Verse 1] Masdan mo ang buhay ko Lagi na lamang ganito Walang nagmamahal Ang puso ko'y uhaw [Verse 2] Kay tagal na 'kong naghihintay Kay tagal na 'kong naglalakbay Magkaroon ng puwang sa daigdig Magkaroon ng puwang sa pag-ibig (Dahil ang buhay ko ay tapat naman) [Chorus] Kailan masisilayan ang liwanag? Kailan mahahawi sukdulan ng ulap? Tulad din ng dati, kay linaw ng dagat Inasam-asam kong munting pangarap [Verse 3] Kung saan-saan na lang napapadpad Buhat sa sariling palad Umikot humagis Balik sa hugis (Dahil ang buhay ko ay tapat naman) [Chorus] Kailan masisilayan ang liwanag? Kailan mahahawi sukdulan ng ulap? Tulad din ng dati, kay linaw ng dagat Inasam-asam kong munting pangarap [Bridge] Yakap sa pag-asa [Chorus] Kailan masisilayan ang liwanag? Kailan mahahawi sukdulan ng ulap? Tulad din ng dati, kay linaw ng dagat Inasam-asam kong munting pangarap Kailan masisilayan ang liwanag? Kailan mahahawi sukdulan ng ulap? Tulad din ng dati, kay linaw ng dagat Inasam-asam kong munting pangarap [Outro] Inasam-asam kong munting pangarap

