Song Cover Image

Buhay-Padyakero (07)

‎[Intro: Yodel] ‎ ‎[Verse 1] ‎Naku! Anóng hírap! Ang búhay-padyakéro ay laging nasa kalsada. ‎Alikabok dito at úsok doón ang palaging masagap sa tuwi-tuwina. ‎Ang init ng araw at lamig ng panahon ay palaging nadarama. ‎O, talagang ganyan, dapat magtiis ako, ito ang búhay-padyakero. ‎ ‎[Chorus] ‎[Yodelling] ‎Yo-de-lay-ee-lay-ee-lay-ee-hee-hoo [4X] ‎ ‎[Verse 2] ‎Pagdating ng oras na hinihintay, ang pamamasadang walang humpay, ‎Mataas, inaakyat. Lubak, binabagtas, pawis ay tumatagaktak. ‎Ang pagkain ko'y ubós, úhaw, tinitiis, ang hiningay kinakapos. ‎O, talagang ganyan, dapat magtiis ako, ito'y búhay-padyakero. ‎ ‎[Chorus] ‎[Yodelling] ‎Yo-de-lay-ee-lay-ee-lay-ee-hee-hoo [4X] ‎ ‎[Bridge] ‎Ay, ay, naku, pare! Tiis lang konti para umabot sa 'destiny'. ‎Magpakabit na ng makina kung túhod natin ay mahina na. ‎Pero ingat lang tayo, baka hulihin na rin tayo ng mga elti-o ‎O, talagang ganyan, dapat na magtiis tayo, ito ang búhay-padyakero... ‎ ‎[Chorus] ‎[Yodelling] ‎Yo-de-lay-ee-lay-ee-lay-ee-hee-hoo [4X] ‎ ‎[Outro: Yodel fades out] ‎