
Written by John Paul Bantigue YAKUN (feat. UNICA) BMI • IPI/CAE 01366401460 © 2026 John Paul Bantigue ℗ 2026 John Paul Bantigue • JP Bantigue Records jpbbantigue.com Bili ka po? Sa poste sa dulo ng highway May babaeng nakaputi Basang buhok, tuyong kalsada May mga bulaklak, kakaibang bati Hindi ko siya nilingon Pero alam kong siya'y nakangiti Paano ko naman nasabi Samantalang 'di ko siya inintindi? Isinara ko ang bintana Pinatay ko ang radyo Pero sa loob ng sasakyan May amoy na pamilyar Sariwa't Mabango At parang may hinihintay Bili ka po ng sampaguita? Isang tali bago ka umuwi Hindi mo ba ako naaalala? Dito rin kita huling nakita Sa salamin, papalapit siya Kahit hindi naman gumagalaw Bili ka po ng sampaguita? Bakit alam niya kung saan ako papunta? Kinabukasan, nasa kanto Sa susunod, nasa tulay Nang ikatlong gabi, may bulaklak Sa upuang walang sakay May putik sa aking gulong Kahit ilang linggo nang walang ulan May puting hibla sa bumper Na ayaw kong pangalanan Sinabi kong walang nangyari Hanggang halos naging totoo Pero bakit kabisado ko Ang tunog ng preno sa ulo? Sa kuha ng lumang tindahan Ako lang ang nasa daan Nakikipag-usap sa hangin May hawak na kuwintas sa kamay Walang babae Walang bulaklak Walang ibang naroon Alam mo 'yon Bili ka po ng sampaguita? Isang tali para 'di makalimot Hindi mo ba ako naaalala? O ako ang ayaw umamin sa takot? Sa salamin, papalapit siya Pero mukha ko ang sumisilip Bili ka po ng sampaguita? Bakit kamay ko ang may hawak sa tali? May munting palad sa salamin May ilaw na naging pula May isang sigaw na nilamon Ng makina at aking dasal Hindi ako huminto Hindi ako lumingon Hindi ko siya nakita Pero alam kong nakaputi siya Alam kong may hawak siyang bulaklak Alam kong tinawag niya ako Kuya! Bili ka po? Bili ka po? Hindi mo ba ako naaalala? Bibili ako ng sampaguita Isang tali bago ako umuwi Hindi na kita malilimutan Dahil dala-dala ko ang pagsisisi Sa salamin, wala nang babae Ako lamang ang nakatitig May sampaguita sa aking kamay Mga daliri kong nanginginig Bili ka po ng sampaguita? Isang tali lang Isang sandali lang Isang buhay na hindi ko binalikan Bili ka po? Sa bakanteng daan Walang babaeng nakaputi Guniguni ko lang pala

