
[Intro: Yodel] [Verse 1] Naku! Anóng hírap, búhay-padyakéro, laging nasa kalsada. Alikabok dito at buhangin doón ang masasagap sa tuwi-tuwina. Ang init ng araw at lamig ng panahon ay palaging madarama. O, talagang ganyan, dapat na magtiis ako, ito ang búhay-padyakero. [Chorus] [Yodelling] Yo-de-lay-ee-hoo! Yo-de-lay-hoo! [2X] [Verse 2] Pagdating ng umaga na hinihintay, ang pamamasadang walang humpay, Bundok, inaakyat, lubak, binabagtas, ang pawis ko'y tumatagaktak. Ang pagkain ko, naubos, úhaw, tinitiis, ang hiningay kinakapos. O, talagang ganyan, dapat na magtiis ako, ito ang búhay-padyakero. [Chorus] [Yodelling] Yo-de-lay-ee-hoo! Yo-de-lay-ee-hoo! [2X] [Bridge] Ay, ay, naku, pare! Tiis lang nang konti para umabot sa ating 'destiny'. Magpakabit na tayo ng motor o makina, kung túhod natin ay mahina na. Mag-ingat lang baka hulihin na rin tayo ng mga tao ng EL-TIH-O... O, talagang ganyan, dapat na magtiis tayo, ito ang búhay-padyakero... [Chorus] [Yodelling] Yo-de-lay-ee-hoo! Yo-de-lay-ee-hoo! [2X] [Outro: Yodel fades out]

