[Verse 1] Sa silong ng alapaap, sa liwanag ng buwan Nagtatampisaw ang hari nitong lupang silanganan, Sa kamay ng palaka ay nagkulay talong, 'bulunan Asawa niyang palaka, leeg nya'y pinanggigilan [Pre-Chorus] Sa kanilang palasyo ay, sumabog ang mga bituin, Isang mansyong nagliliyab, sa ginto'y naglalambing, [Chosus] Ngunit sa likod ng ngiti ng palaka'y may lihim, May mga aninong nagkukubli, sa dilim ay humahalinhing. [Verse 2] Sa bayan ng mga silahis, dagat at langit ang saksi, mga kawal ng kalangitan, sa malayong katimugan, pakay sa lupang pag-asa, gawing pugad ng mga agila, laban sa dragon ng silangan. [Bridge] Sa ilalim ng puno ng mga bituin, mga pangarap ay naglalayag, Ang palaka'y may hawak na susi, sa kaharian ng mga ulap, [Coda] Ngunit sa likod ng talong na kulay, isang mundo'y nag-aantay, Isang digmaan ang nagbabadya, sa likod ng mga ulap ay sumusulyap.