
Sa unang tingin, agad na nahumaling, sa ganda mong nagniningning, parang bituin, at sana'y mapansin, ang tulad kong kayang suotan ka ng sing-sing, wag mo sanang masamain ang aking hinain. At hihintayin na ako rin ang iyong piliin, kahit palihim lang, ikaw pa rin ang dadalhin sa panalangin, di ko ipipilit, hayaang puso mo ang umamin, dahan-dahan lang, hanggang sa tayo'y magkapiling. [chorus] Kung mapansin mo man itong lihim kong pagtingin, Wala akong hiling kundi manatili sa piling, Di kita mamadaliin, di kita bibilangin, Sapat nang malaman mong ikaw lang ang iibigin. Kaya aking binibini, hindi magbabago, laging iisipin, kahit tumanda tayo, ikaw lang ang huling iibigin sa mundo, at makakaasang ikaw lang ang laman ng puso, ikaw lang palagi, ikaw lang ang gusto. bridge Ikaw lang ang pahinga sa magulong mundo, Ikaw ang simula, ikaw rin ang dulo, Ikaw lang ang laman nitong puso, Ikaw lang palagi, ikaw lang ang gusto. [chorus] Kung mapansin mo man itong lihim kong pagtingin, Wala akong hiling kundi manatili sa piling, Di kita mamadaliin, di kita bibilangin, Sapat nang malaman mong ikaw lang ang iibigin. kahit di pa malinaw kung saan patungo, ayoko na maghanap pa sa magulong mundo, sapat na tahimik lang, basta nandiyan ka sa tabi ko, di maingay, di magulo, pero buo.

