Song Cover Image

Santuaryo

Sa mga panahong sarili ko 'di ko maintindihan ikaw ang natatanging naging sandigan Ikaw ang bumuo sa kakulangan Tanging umuunawa sa aking kahibangan Walang hihilingin na sobra wala nang hahanapin pa Sa yakap mo lang nalaman Ang kapanatagan Akala ko dati mahirap sumugal pero nung dumating ka, lahat naging natural Salamat at ikaw ang nakilala Wala na akong ibang gusto pa Ang manatili sa tabi mo ang tanging inaasam Dahil para sa akin, Ikaw ang pangarap Ikaw ay sapat na Dati-rati ang utak ko Parang magulong kwarto Pero nung dumating ka Bawat sulok ay inayos mo Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ang ganito Isang salita mo lang Kumakalma ang aking puso Simpleng umaga, magkasamang nagkakape sa gilid Walang ibang hanap kundi ang dulo ng iyong mga titig Ngayon ay handa nang sumugal Lalo na at ikaw ang mapapanalunan Salamat at ikaw ang nakilala Wala na akong ibang gusto pa Ang manatili sa tabi mo ang tanging inaasam Dahil para sa akin, Ikaw ang pangarap Salamat at ikaw ang naging tahanan Sa mundong magulo ikaw ang kaayusan Ang manatili sa tabi mo ang tanging inaasam Dahil para sa akin, Ikaw ang pangarap Ikaw ay sapat na