
Verse 1 Sa daang nababalot ng dilim, Naglalakad akong sa sariling lilim. Liwanag ay sumilay na buhat sa langit, Ako'y napaluhod, pangalan ko’y binanggit. Akala ko'y kaya kong hanapin ang daan, Na walang inaasahan kundi sariling paraan. Ako ay nagkamali sa landas na napili. Biyaya ang nakahanap sa akin, Pre-Chorus Nauna ang Iyong biyaya, Hindi maunawaang pag-ibig. Ang hindi ko kayang gawin, Ikaw ang gumawa para sa akin. Chorus Biyaya ang nakahanap sa akin, Nang ako'y naligaw ng landasin. Ginawa Mong liwanag ang aking dilim, Ang pusong wasak Iyong pinagaling. Hindi ko na pag-aari ang aking sarili, Si Cristo ang bumago sa buhay na sawi. Mula sa lupain ng pansariling hangarin— Sa Iyong biyaya, ako'y nakauwi. Verse 2 Hindi kayang bilhin ng aking kamay Ang pag-ibig Mong walang kapantay. Ngunit ginawa Mong kasangkapan ng biyaya Ang mga kamay na minsang walang saysay. Ako'y Iyong obra maestra, Buhay na patotoo ng Iyong mga kamay. Mga sugat ay naghilom Sa Iyong pag-ibig, nabago ang aking buhay. Pre-Chorus Nauna ang Iyong biyaya, Hindi maunawaang pag-ibig. Ang hindi ko kayang gawin, Ikaw ang gumawa para sa akin. Chorus Biyaya ang nakahanap sa akin, Nang ako'y naligaw ng landasin. Ginawa Mong liwanag ang aking dilim, Ang pusong wasak Iyong pinagaling. Hindi ko na pag-aari ang aking sarili, Si Cristo ang bumago sa buhay na sawi. Mula sa lupain ng pansariling hangarin— Sa Iyong biyaya, ako'y nakauwi. Bridge Hindi sa aking lakas, Hindi sa aking gawa, Hindi sa kabutihang kaya kong ipakita. Ikaw ang tumawag, Ikaw ang nagligtas, Bagong buhay ang Iyong ibinigay sa akin. At ang Iyong sinimulan, Ikaw rin ang tatapos. Ang gawain ay Iyong gawa, Inihanda Mo ang aking mga hakbang, At lalakad ako sa Iyong biyaya, Para sa Iyong kaluwalhatian, Sa buong buhay ko. Final Chorus Biyaya ang nakahanap sa akin, Nang ako'y naligaw ng landasin. Ginawa Mong liwanag ang aking dilim, Ang pusong wasak Iyong pinagaling. Hindi ko na pag-aari ang aking sarili, Si Cristo ang bumago sa buhay na sawi. Mula sa lupain ng pansariling hangarin— Sa Iyong biyaya, ako'y nakauwi. Biyaya ang nakahanap sa akin, At hindi na ako tulad ng dati. Mula sa dilim, tinawag sa liwanag Mula sa “ako” tungo sa “Iyo,” Mula sa kamatayan tungo sa buhay. Lahat ng ako at lahat ng magiging ako Ay Iyong likha ng pag-ibig. Outro Ikaw ang nagsimula, Ikaw ang aakay. Ikaw ang mag-iingat Hanggang makita Ka nang mukhaan. Ako'y naligaw— Ngunit hinanap Mo. Ako'y bulag— Ngunit ngayon, nakakakita. Biyaya ang nakahanap sa akin.

