Song Cover Image

Ang Istorbo ay Pagmamahal

(FAST RAP) Istorbo raw si Tatay, Laging nakabantay. "Asan ka na?" "Kumain ka na ba?" Paulit-ulit, parang sirang plaka. Istorbo raw si Tatay, Sa pinto laging nakatambay. Kapag gabi na't wala ka pa, Hindi mapakali, hindi makatulog pa. Pero nung nawala si Tatay, Tahimik ang buong bahay. Walang sumisigaw ng "patayin ang ilaw!" Walang nagtatanong kung kumusta ang araw. (HEAVY METAL) At aking napagtanto, kaya ganun ang tatay ko, Gusto nya ng atensyon ko, kaya sa tuwing ang tatay ko nangiistorbo, napagtanto ko, pahalagahan natin siya habang nandito, kase kapag dumating na ang kanilang sundo, dun mo mapagtatanto na mas masarap palang iniistorbo ng tatay mo. At kaya sa mga batang nagbabasa o nakikinig nito, lagi nyong tatandaan.... pahalagahan nyo ang magulang nyo, kase kapag nawala na ang magulang nyo, mararamdaman nyo na gumunaw na ang mundo nyo. "Doon nyo lang naintindihan, Ang istorbo pala'y pagmamahal lang. Hindi istorbo si Tatay, Siya pala ang kulang kapag wala na sa buhay"