Song Cover Image

Alamat ng Baliw (Remastered)

[Intro] Oh, kay hirap talagang maging baliw. Baliw sa maliliit na bagay-bagay. [Verse 1] Kalderong butas, sashey ng kape na may tagas. Aso mong pinagpag ang pulgas At sweldo mong nalugas [Pre-Chorus] Oh, kasaysayan ng isang pulubi Andaming alalahanin lagi Anumang subok na bumawi Aagawin na sa 'yong mga ngiti [Chorus] At ang kalangita'y bubukas sa 'yong bunbunan Nabilaukan, at habulan sa sangandaan [Refrain] Mata ay minasidan ng kumpulang; mga engkantong bulaan Nagpapanggap silang ako'y kanilang nakulam, ngunit 'di naman [Verse 2] Pagtapak ng paa sa mundong bumubuka Kapirasong pagkanta 'Di na alam kung masaya [Verse 3] Ang alam ko pabulong lang ito Ang nakaririnig ay ako, at ang langit na may saklob na platito