Kung kailanma’y di kami humanap, ngayo’y hanap Ka namin; Ang Iyong mga mata’y bituing tumatagos sa dilim; Kailangang makita ang tinik sa Iyong noo, Kailangan Ka namin, O Hesus ng mga Sugat. Nakasisindak ang langit; lubhang payapa, lubhang tahimik; Sa buong sansinukob, tila wala kaming tahanan. Sumasakit ang aming mga sugat; nasaan ang lunas? Panginoong Hesus, sa Iyong mga Sugat, biyaya’y aming inaangkin. Kung sa nakapinid na mga pinto, Ikaw ay lalapit, Ipakita Mo lamang ang Iyong mga kamay, ang Iyong tagiliran. Alam na namin ngayon ang sugat; huwag Kang mangamba, Ipakita Mo ang Iyong mga Sugat — kilala namin ang tanda. Ang ibang mga diyos ay malalakas; ngunit Ikaw ay mahina; Sila’y nakasakay, ngunit Ikaw ay natisod patungo sa trono. Sapagkat sa aming mga sugat, sugat lamang ng Diyos ang makapangungusap; At walang diyos na may sugat — Ikaw lamang, Ikaw lamang.