Song Cover Image

Mangaldan Drayber 03

V6-MINI

‎ ‎[Intro] ‎[intermittent sounding of a horn] ‎ ‎[Verse 1] ‎Ang tagal ko nang namamasada ‎Traysikel ang siyang pangkaryada ‎Kabisado ko ang bawat lubak at mga kanto ‎Kung saan ang tamad ay talo ‎At ang suwapang nama'y laging binabato ‎ ‎[Pre-Chorus] ‎Maraming mga kompromiso ‎Sa propesyon kong ito ‎Ngunit ayos lang ‎Nakakaraos naman.... ‎ ‎[Chorus] ‎Ako'y Mangaldan drayber ‎Ng traysikel na medyo may kalumaan na ‎Mangaldan drayber ‎Nagsasakay ng pasahero kahit di ko kilala ‎Ngunit ang iba'y suki ko na ‎ ‎[Verse 2] ‎Tinitiis ang panahong mainit ‎Nagtitiis din ako sa taglamig ‎Sa alikabok at sa nakakaubóng úsok ‎Kahit may mga pasaherong kapós ‎Ang iba nama'y nagbibigay nang lubós ‎ ‎[Pre-Chorus] ‎Marami ngang kompromiso ‎Sa propesyon kong ito ‎Ngunit ayos lang ‎Kumikita rin naman... ‎ ‎[Chorus] ‎Ako'y Mangaldan drayber ‎Ng traysikel na medyo kinalawang na ‎Mangaldan drayber ‎Nagsasakay ng pasahero kahit pusër pa ‎Pero yusër lang ang iba ‎ ‎[Bridge] ‎Ngunit noóng si Duterte ‎Ang aming presidente ‎At umúso rin ang extra-judicial keiy ‎Kailangan kong tumanggi ‎Sasabihin ko munang ako'y natáta-e ‎ ‎[Pre-Chorus] ‎Ang dami ngang kompromiso ‎Sa propesyon kong ito ‎Ngunit ayos lang ‎Nabubúhay pa naman... ‎ ‎[Chorus ] ‎Ako'y Mangaldan drayber ‎Ng traysikel na medyo idyadyang-syap na ‎Traysikel drayber ‎Naghahatid ng pasahero kahit umutang pa ‎At ang iba'y tatakasan ka ‎ ‎[Outro] ‎Mangaldan drayber ‎Ng traysikël na draybër ang siyang makina ‎Pedikab ang tawag nila... ‎ ‎[Shouts] (PEDIKAB!) ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎