
[Intro: Yodel] [Verse 1] Naku! Anóng hírap! Ang búhay-padyakéro ay laging nasa kalsada. Alikabok dito at úsok doón ang palaging nasasagap sa tuwi-tuwina. Ang init ng araw at lamig ng panahon ay palaging nadarama. O, talagang ganyan, dapat magtiis ako, ito ang búhay-padyakero. [Chorus] [Yodelling] Yo-de-lay-ee-lay-ee-lay-ee-hee-hoo [4X] [Verse 2] Pagdating ng oras na hinihintay, ang pamamasadang walang humpay, Mataas, inaakyat. Lubak, binabagtas, pawis ay tumatagaktak. Ang pagkain ko'y ubós, úhaw, tinitiis, ang hiningay kinakapos. O, talagang ganyan, dapat magtiis ako, ito'y búhay-padyakero. [Chorus] [Yodelling] Yo-de-lay-ee-lay-ee-lay-ee-hee-hoo [4X] [Bridge] Ay, ay, naku, pare! Tiis lang konti para umabot sa 'destiny'. Magpakabit na ng makina kung túhod ay mahina na. Pero ingat lang tayo, baka hulihin na rin tayo ng L T O O, talagang ganyan, dapat na magtiis tayo, ito ang búhay-padyakero... [Chorus] [Yodelling] Yo-de-lay-ee-lay-ee-lay-ee-hee-hoo [4X] [Outro: Yodel fades out]

