Ang chubby mong katawan pag nakikita ko, .. Parang gusto Kunin at ibalot sa puso... NAng gigigil ako dahil sobrang lambot mo... Pag yakap mo pa lang buo Ang Mundo... Sa bawat binitawan mong ngiti,.... Akoy nalulunod sa ganda ng iyong bibig saan man ako tumingin akoy nabibighani,.... Sa bawat sulyap, sa mata mo laging naka titig,.. Hindi kita tinitingnan sa timbangan. Tinitingnan kita sa paraan mo mag-alala sa iba. Sa yakap mo na kasya buong pagod ko. Sa tawa mo na mas masarap pa sa kape sa umaga. Chorus: Sabi nila "magpapayat ka". Sabi ko "bakit? Sakto lang siya para sa mga braso ko." Sabi nila "bilbil yan". Sabi ko "yan ang pinaka-comfortable na unan sa mundo". Chubby ka, pero ikaw ang paborito kong tanawin. Yung bilbil mo, duyan ng mga alalahanin ko. Yung pisngi mo, gusto kong pisilin tuwing tumatawa ka. Chubby ka. Pero sa mata ko, ikaw yung buo. Ikaw yung sapat. Ikaw yung uuwi-an. Kaya wag ka mag-alala. Mahal kita — bilbil, pisngi, at lahat. Lalo na ikaw. At Ikaw lang


