Song Cover Image

King of Nothing Lang Pala ²

V6-MINI

[Intro] ​[Tunog ng upbeat reggae bassline na may halong makulit na novelty keyboard synth] (Yow! Apir! Isang reggae beat para sa madlang pipol!) One, two, check, check! Ayusin na ang korona, mga tol! [Verse 1] Ipinanganak ako sa bulubunduking bayan Sabi ni Máma, may pangarap silang laan Binigyan ako ng pangalan na Ferdinand Baka sakaling maging katulad ni Madyelan O kaya naman ay maging pangulo ng bayan [Chorus] Pero teka muna, ako'y mas laking-tanyag pa Nang bigyan ako ng palayaw na Rex pala! Dahil hari raw ang ibig sabihin, oh bongga! Pero ngayon, nanlulumo at nakangangá... Dahil ang hari pala ng kaharian na ito Ay naging King of Nothing lang sa dulo! [Verse 2] Noong elementary, aba’y sikat na sikat Laging nangunguna, numero uno sa lahat! Pagtuntong ng high school, sumadsad Magaling lang sa sampu ang naganap! Nalula sa dami ng kaklaseng naglipana Sa eskwelahan, puro valedictorian sila [Chorus] Ay oo nga naman, mas lumaki ang korona Noong Rex ang palayaw na ibinigay nila Hari raw ang ibig sabihin, ang bongga! Pero ngayon, nanlulumo at nakangangá Dahil ang hari pala sa kaharian na ito Ay naging King of Nothing lang sa dulo! [Bridge] Ngayon ay nagsisisi sa pangungutya noon Sa mga kaklaseng slow at sa laro nakatuon Aba, nakatapos at mayayaman na ngayon! Pati kapatid na inakalang kong mahina Dahil sa sipag at tiyaga ay pantas pala Kahit Grade 6 lang ang inabot niya! [Chorus] Ay oo tama nga naman, ulo'y lumaki lang Dahil sa palayaw na Rex ako nanangan Hari kasi ang ibig sabihin, ang bongga! Pero ngayon ay nalulungkot at ngangá Dahil ang mayabang na haring ito Naging "King of Nothing" lang sa dulo! [Outro] Hay nako... buhay nga naman... Nabubuhay ngayon sa puro sana lang... Sana... hindi na ako nagyabang.. Hahay... ako'y King of Nothing lang... [Fade out habang tumutugtog ang mabagal na reggae beat]