[spoken] Kapag pinagtagpi mo ang mga sinulid, nag-iiba sila. Lumalawak… at gumaganda. Parang habing tela. Ganyan din ang mga ugnayan… Kung iisipin mo. [verse] Dumarating, umaalis, minsan mabilis — Ganyan ang takbo. Lusot at iwas, habol-hininga — Tahi nang tahi tayo. Lumalaki ang buhay, di alam kung paano — Tuloy lang ang lakad. Manatili man o lumisan, tibok ng puso’y — Nagniningning pa rin. [chorus] May bagong hiblang naidugtong, mas tibay ang tela ngayon. Kahit saan ka mapadpad, ikaw ay bahagi noon. Kapag ika’y wala, saan ka man mapunta, alam na ‘to ng puso ko. Pag ako’y paalis, ang tanaw ko’y ito: Lagi kang kasama ko. [verse] Magkadugtong tayo, sa hirap at ginhawa — Kitang-kita ito. Sa magagandang araw, o panahong mahirap — Pinili nating sumalo. Magkatabi tayo — anak ko, kapatid ko — Tila huminto ang oras. Niakap tayo tulad ng musmos, dahil alam natin ito. [chorus] May bagong hiblang naidugtong, mas tibay ang tela ngayon. Kahit saan ka mapadpad, ikaw ay bahagi noon. Kapag ika’y wala, saan ka man mapunta, alam na ‘to ng puso ko. Pag ako’y paalis, ang tanaw ko’y ito: Lagi kang kasama ko. [bridge] Tayo ay bahagi ng isang bagay na maganda, at sabay natin itong binuo. At patuloy nating bubuuin ito, mula ngayon hanggang dulo. Sa ibabaw at ilalim, sa kabuuan ng lahat. [chorus] Bawat hibla mong naiwan sa akin, init mo’y dalang tunay. Walang layo ang kayang magpahiwalay, alam ng kaluluwa ko’y ikaw ay buhay. San ka man magpunta, gaano man kalayo, pangalan mo’y sigaw ng damdamin ko. Pag ako’y aalis, puso ko’y bubulong: Narito ka pa rin, tulad ng dati.


