
Paalam... Kamusta? (Simp)2
[Pre-verse] Araw ay bumubukas sa kalangitan Habang ating mga paa'y pasulong na lumalakad... Inaalaala... (Bago tuluyang bumuhos ang mga luha) Tayo nga ay magtatapos na... [Verse 1] Minsan nga tayo ay nag-away Sa maliliit, at walang katuturang bagay-bagay Kinuha mo ang lapis ko, (Ang puso ko ay nakabig mo) Pumilas ng pahina sa kwaderno ko (Pumasok ka sa natutulog kong mundo) Sa oras ng uwian, hindi mo ako sinabayan Ilan lang sa mga alaalang natutunan ko nang balikan. [Pre-Chorus] Tanaw kita sa 'di kalayuan (Mga upuan lang sa atin ay pumapagitan) Pareho pa rin ba tayo ng eskwelahang papasukan? Kaninong kamay ang una mong hahagkan? [Chorus] Hindi ko mapigilan ang pagluha Bawat patak nito ay mga gunita Masasayang alaalang kaysarap balikan Malulungkot ma'y 'di tinalikuran Naging bahagi ng sarili At kailanma'y hindi na hihikbi Kaya't punasan ang iyong luha Paalam... Kamusta? [Verse 2] Isinumbong kita kay mam Siya ang naging shoulder to cry on ko, Sa tuwing malilimutan mong "tayo" (Em Yu; may "Maling Ugnayan" yata tayo) 'Di kita mabanggit sa mga magulang ko, At baka sila'y magarote ako (ako) Kaya't kinabukasan tayo ay may samaan. Ilan lang sa mga alaalang natutunan ko nang balikan. [Pre-Chorus] Tanaw kita sa 'di kalayuan (Mga upuan lang sa atin ay pumapagitan) Pareho pa rin ba tayo ng eskwelahang papasukan? Kaninong kamay ang una mong hahagkan? [Chorus] Hindi ko mapigilan ang pagluha Bawat patak nito ay mga gunita Masasayang alaalang kaysarap balikan Malulungkot ma'y 'di tinalikuran Naging bahagi ng sarili At kailanma'y hindi na hihikbi Kaya't punasan ang iyong luha Paalam... Kamusta? [Bridge] Pagtapos ng seremonyang ito, Hahanapin kita ng tingin. Sa aking mga mata'y ikaw ay ididiin! Ikaw ang bumuo sa aking pangarap Umagaw sa isip at puso ko Sa tuwing kunwari'y nag-aaral ako [Outro] Ngunit sa pangaral at gabay ng ating mga minamahal. Mga kaanak (Mama, papa, ate, kuya, bunso) Sa aming mga guro (Mam, ser!) Sa mabubuti nating kaibigan, classmate (Crushmate?) Hindi ko malilimutan, mga karanasan, natutunan, dinamdam, Mga aral ng buhay sa matalinhaga ninyong gabay Paalam... Kamusta?

