
Listen up,.. Yo!!! Bawat hakbang ng aking paa,...Alam ko ito'y may mapupuntahan.... Kahit pudpud na Ang swelas,..tuloy Ang lakad sa lansangan... Saan man ako humantong,..Panay dasal ko sa Simbahan.. "Diyos ko lagi mo Akong subaybayan.. " [Chorus] Nag apply ng trabaho,..may dala-dalang pag Asa,... Iba't ibang re-aksyon,..sa mukha makikita,.. Ako'y kinakabahan,..na sana akoy pumasa... Para sa pamilya,...Na sakin ay umaasa..... "Diyos ko po matanggap sana.." [ Fast RAP] Araw-araw gumigising bago sumikat ang araw, Bitbit ang pangarap, baon ang pagod. Hindi laging madali, hindi laging masaya, Pero sa bawat pawis, may pamilyang inaalalayan. "Trabaho!." — hindi lang para sa sarili. Para sa bigas, kuryente, at baong baon sa baunan. Para sa pangarap ng kapatid na makagraduate, Para sa nanay ⁶na sabihing "pahinga ka na anak". Minsan napapagod. Minsan napapamura sa boss. Minsan gusto na sumuko sa traffic at deadline. Pero babangon pa rin. Kasi ang trabaho, pag-ibig din yan. Pag-ibig na tahimik, pero matatag. Hindi lahat nakikita ang hirap mo. Pero si Lord nakikita. At balang araw, yung pagod ngayon, magiging ginhawa bukas. "Saludo sa lahat ng nagtatrabaho* ✊ Sa office, sa sayt, sa palengke, sa bahay. Lahat tayo lumalaban.... Ingat po Tayo!!"

