(Cover: Original Melody Preservation) [Verse 1] Sariling pagdududa ang laging nasa isipan Tumatanggi sa gawain, kahinaan ang dahilan Pagkakamali ng kahapon, madalas na nakaharang Kabiguan ng nakaraan ang laging humahadlang [Pre-Chorus] Hinanap mo ako at sinagip ng lubusan Kadena ng puso binali mo nang tuluyan [Chorus] Ikaw ang katapangan sa puso kong duwag, Ako’y iyong pinili pangalan ko’y inyong tinawag Silakbo ng damdamin Ikaw Hesus ang nagsindi “Tanong ko’y bakit ako? Sagot Mo’y bakit hindi?” [Verse 2] Dumadalaw sa gunita at ang laging daing Maraming higit sa akin: mas matalino, mas magaling Simula Pa lang ng laban palagay ko’y talo na Hindi karapat dapat ang laging nadarama [Pre-Chorus] Hinanap mo ako at sinagip ng lubusan Kadena ng puso binali mo nang tuluyan [Chorus] Ikaw ang katapangan sa puso kong duwag, Ako’y iyong pinili pangalan ko’y inyong tinawag Silakbo ng damdamin Ikaw Hesus ang nagsindi “Tanong ko’y bakit ako? Sagot Mo’y bakit hindi?” [instrumental] [Bridge] Ikaw ang nagbigay sa’kin ng halaga Sa buhay ko ngayon, akala ko’y wakas na Sa tuwing umaga na ako’y nagigising Alam ko, O Diyos, Ikaw ay may plano pa rin. [Chorus-modulate one key higher] Ikaw ang katapangan sa puso kong duwag, Ako’y iyong pinili pangalan ko’y Inyong tinawag Silakbo ng damdamin Ikaw Hesus ang nagsindi “Tanong ko’y bakit ako? Sagot Mo’y bakit hindi?” [coda] “Tanong ko’y bakit ako? Sagot Mo’y bakit hindi?”


