
Sigurado bang tayo ay nakaiintinding tunay T'wing inaalaala at; pinagbubulay-bulay Pitong libo ay kalat, arkipelago nati'y salat Arkipelago ay salat, di lang sa yaman, at luwat Kalayaang mamahayag, animo ay pusong banlag Wika nating Filipino, t'wing Agosto lang panalo Sa mamamaya'y wala 'to, wikang Tagalog, palalo Pagkat ibang dayalekto, pang-museyo lang at kulto Bukod sa 'Biag ni Lam-Ang,' 'no pa'ng k'wentong nasaulo? 'Di ga't kuwento at tula; mga himig-awit at indak; Sa Tagalog nasusulat? Kaya't pa'nong malaya at; nasasabing tayo'y di ba't; salat? Wika'y Tagalog lang mulat. Ating tatandaang tayo'y, may wikang dami ng tala. Tatlong tala, dilaw-araw, bughaw at pulang bandila. Hindi ba't ito'y patunay, hindi ganap na malaya? Alibata ay winalis, sulok kaluluwa'y dusa

