
[Intro] [Tunog ng upbeat reggae bassline na may halong makulit na novelty keyboard synth] [Bass vocals] (Yow! Apir! Isang reggae beat para sa madlang pipol! One, two, check, check! Ayusin na ang korona, mga tol!) [Verse 1] Ipinanganak ako sa bulubunduking bayan Sabi ni Máma, may pangarap silang laán Tinawag ako sa pangalan na Ferdinand Baka sakaling maging katulad ni Madyelan [Bass vocals] (O kaya naman ay maging pangulo ng bayan) [Chorus] Ay pero teka muna, ako'y mas laking-tanyag pa Nang bigyan ako ng palayaw na Rex, (Yiiha!) Dahil hari ang ibig sabihin, bongga, di ba? Pero ngayon, nanlulumo at nakangangá... [break] [Basa vocals] (Dahil ang mayabang na haring ito.... King of Nothing lang pala sa dulo!) [Verse 2] Noong elementary, aba’y sikat na sikat Laging nangunguna, number one sa lahat! Pagtuntong ng high school, sumadsad Magaling lang sa sampu, yun ang naganap! [Bass vocals] (Nalula ngayon sa dami at mga henyo pa) [Chorus] Ay oo tama nga naman, mas lumaki ang korona Noong Rex ang palayaw na ibinigay nila Hari raw ang ibig sabihin, bongga, di ba? Pero ngayon, nanlulumo at laging tulalá... [break] [Bass vocals] (Dahil ang hambog na lalakeng ito King of Nothing lang pala sa dulo!) [Bridge] Ngayon ay nagsisisi sa pangungutya noon Sa mga kaklaseng slow at sa laro nakatuon Nakatapos sila at mayayaman na ngayon! Pati kapatid na sinabi kong ("Mahina iyon" ) [break] [Bass vocals] (Pantas pala dahil umasenso sa sipag at tiyaga Kahit Grade 6 lang ang inabot niya!) [Chorus] Ay tama nga naman, ang lumaki ay ulo lang Dahil sa palayaw na Rex ako nanángan Hari kasi ang ibig sabihin, nakapabongga! Pero ngayon ay malungkot, tulo-láway pa... [break] [Bass vocals] (Dahil ang mayabang na lalakeng ito... King of Nothing lang pala sa dulo!) [Outro] Hay naku... Ang tao nga naman... Nabubuhay ngayon sa puro sana lang... Sana... hindi na lang ako nagyabang.. Hahay... ako pala ay King of Nothing lang... (King of Nothing lang pala...) [Fade out habang tumutugtog ang mabagal na reggae beat]

