
[Verse 1] Akala’y ligaya ang paraang pinili, Ngunit luha lang ang dumating. Bawat kabanata’y may dalang pagsisisi, May sugat at hapding aking dinadaing. [Pre-Chorus] Pinipili ang kagalakan sa gitna ng pagdurusa, Lubos ang ka-sapatan sa Iyong mga biyaya. [Chorus] May mga pagpapalang natutuklasan Sa gitna ng kabiguan, natatagpuan Kapahingahan Mo’y laging nararanasan At Higit pa sa aking ina-akala [Verse 2] Mga hakbang na ako ang nanguna, Landas pala'y puno ng pangamba. Ngunit sa dilim, liwanag Mo’y kasama Patuloy Mong ginagabay ang aking buhay. [Pre-Chorus] Pinipili ang kagalakan sa gitna ng pagdurusa, Lubos ang ka-sapatan sa Iyong mga biyaya. [Chorus] May mga pagpapalang natutuklasan Sa gitna ng kabiguan, natatagpuan Kapahingahan Mo’y laging nararanasan At Higit pa sa aking ina-akala [Bridge] Ikaw ang Diyos na muling bumubuo Sa pusong durog, Ikaw ang muling nagpatibok [Chorus] May mga pagpapalang natutuklasan Sa gitna ng kabiguan, natatagpuan Kapahingahan Mo’y laging nararanasan At Higit pa sa aking ina-akala [Final chorus-modulate key] May mga pagpapalang natutuklasan Sa gitna ng kabiguan, natatagpuan Kapahingahan Mo’y laging nararanasan At Higit pa sa aking ina-akala [Tag/Ending] Kapahingahan Mo’y laging nararanasan At Higit pa… Higit pa sa aking ina-akala

