Song Cover Image

Panalangin

+ Show full styles
V5.5

[Verse 1] Sa bawat gising sa umaga may hatid na kagalakan Naka-ngiti at nakahanda sa araw na dumarating Ngunit may mga pangyayaring hindi inaasahan Bumibigat ang dating magaan na damdamin [Chorus 1] Ikaw pa rin Hesus ang kasama sa kagipitan Biyaya Mo’y sapat sa bawat pangangailangan Ang sagot Mo sa akin ay laging hihigit pa rin Kahit pagsamahin man lahat ng aking panalangin [Verse 2] Tuwing nasa gitna ng mga magagandang usapan Napapayapa ang puso ko at puno ng kasiyahan Ngunit may mga balitang biglang nagpapagulat At unti-unting nanlalamig ang puso kong busilak [Chorus 2] Ikaw pa rin, Hesus, ang tugon sa aking katanungan Kapayapaan ko sa gitna ng mga kaguluhan Ang sagot Mo sa akin ay laging hihigit pa rin Kahit pagsamahin man lahat ng aking panalangin [Instrumental] [Bridge] Saan ako pupunta para makalayo sa Iyo Kahit sa kadiliman nandoon Ka’t ako’y iniilawan Sa kaitaasan man o sa pinaka-lalimlaliman Hindi magbabago pag-ibig Mo magpakailanman [Final Chorus — Modulate one key higher] Ikaw pa rin Hesus ang kasama sa kagipitan Biyaya Mo’y sapat sa bawat pangangailangan Ikaw pa rin, Hesus, ang tugon sa aking katanungan Kapayapaan ko sa gitna ng kaguluhan Ang sagot Mo sa akin ay laging hihigit pa rin Kahit pagsamahin man lahat ng aking panalangin [Coda] Ang sagot Mo sa akin ay laging hihigit pa rin Kahit pagsamahin man lahat ng aking panalangin