
Sa panahon ng tag ulan, Ang ganda moy hirap ko ng masilayan, Sa bintana naka dungaw naka masid sa kapaligiran, orasan sa dingding napaka bagal masdan Lugaw na luto na may kasamang tokwa, Habang hinahalo na may kasamang saya, Bawat tikim ng lugaw sa kawa, Nag binigay ito masarap na lasa. Uhm.. iniisip kita kung oki ka lang ba, Malalim ang baha sa aming kalsada, Wala akong magawa kundi tawagan ka, At mag dasal na sanay ulan matapos na Ang lugaw mainit hinihintay kong lumamig, Tulad ng pag ibig mo gusto ko ng makamit, Matagal na akong nag hihintay at gusto ko na masungkit, mahagkan , mayakap , makapiling kahit saglit

