Song Cover Image

UTANG NA LOOB

+ Show full styles

Mang Jose music (Intro) (Plucking ng gitara, malamig ang dinala) May magandang balita kapag puno ang bulsa Lahat sila’y kaibigan, lahat sila’y kasama ikaw pinopori nila Pero subukan mong matuyo at maubusan Tingnan natin kung sino ang maiiwan o matira...  (Verse 1) Mang Jose music Noong ang pitaka ko’y makapal at laging bago Bawat salita ko, pinakikinggan ng buong baryo Ako ang bida sa lamesa, ako ang taya sa tagay sa gala Lahat ng hiling ninyo , agad kong ibinibigay "Salamat, BOSS Mang Jose! Ang bait mo talaga sana kunin kana ni lord!" Iyan ang bulong na kay sarap sa tenga.  (Verse 2) Ngunit ang gulong ng Palad, biglang umikot, bumagsak Ang natirang kayamanan, Na lubog sa utang Nang mawala ang kinang, nawala rin ang inyong ngiti Ang dating bida, ngayon ay nakatabi sa tabi walang naka kilala Isang gabi lang ang lumipas, nagbago ang ihip ng hangin Ang dating "bossing," ngayon bosslot na.. hindi n'yo na mapansin parang walang nang yari.  (Chorus) Mahal n'yo lang ako kapag may Laman bulsa ko Kapag bulsa'y walang laman, parang hayop ang tingin sa mata Tinataboy, iniiwasan, animo’y may dalang salot Ang halaga ko ba sa mundo ay sa salapay naka depende lang pera? Nang itapon ang barya, kasama akong naanod.  (Verse 3) Sibukan kong kumatok sa pintuan ninyong sarado "Sino 'yan? Umalis ka, di ka namin kilala!" Bawal mang limos dito.. Para akong asong gala na naghahanap ng karamay Pinandidirihan ang kamay kong dati n'yong sinasamba Mas masahol pa sa hayop kung ako ay inyong ituring Nilalait ang pagkatao, sa putik ako'y idiniin.  (Chorus) Mahalaga lang ako kapag may laman ang bulsa Kapag bulsa'y walang laman, parang hayop ang tingin sa mata Tinataboy, iniiwasan, animo’y may dalang salot Ang halaga ko ba sa mundo ay naka depnde lang sa laman nang bulsa ? Nang itapon ang barya, kasama akong naanod.  (Bridge) Salamat sa gutom, salamat sa unos at bagyo Dahil sa inyong ugali, natauhan ang puso ko Ang tunay na ginto ay hindi nakukuha sa bangko Kundi sa kung sino ang kasama mo sa oras ng siphayo.  (Outro) (Hihina ang musika, maririnig ang buntong-hininga) Ngayong wala na akong maibigay... Kita ko na ang tunay ninyong kulay. Asong pinalayas, tao pa ring babangon... Iiwan ko kayo sa inyong bulok na kahapon. (Fade out sa huling kalabit ng gitara)