[Verse 1] Biyaya’y dumating, wala pambayad na sapat Mahal na kaloob,hindi ako karapat-dapat Hindi kayang tumbasan ng yaman o katanyagan Dugo ng kordero, tanging daan sa katubusan Lingid sa kaalaman ng marami, natatanging kayamanan Perlas na walang katulad, halaga’y hindi kayang pantayan; Bakit ituturing na karaniwan Ang biyayang bumago sa aking daan? [Chorus] Libre, ngunit walang katumbas, Awa'y dumaloy mula sa krus ng Kalbaryo. Buhay na iyong ibinayad upang matu bos ang aking sala Huwag sanang malimot ng aking puso . Ikaw ang kayamanang walang hanggan. Tulungan Mo akong ang regalong ito ay ingatan Mamuhay nang may banal na paggalang. Ang Iyong biyaya'y sapat. Libre, ngunit walang katumbas ang halaga, [Verse 2] Ang krus ay hindi damit para sa papuring walang saysay, Hindi banal na salita na binibigkas ng walang humpay. Bagkus sa bawat araw ito ay nagpapaalala Ng pag-ibig na puma san sa bigat ng ating sala. Kaya't ito ay ibahagi ng may mababang kalooban, Maglingkod nang may banal na paggalang; Ang ebanghelyo'y regalong mula sa Hari, Ipinagkatiwala sa ating mga kamay, sa Kaniya ang papuri. [Chorus] Libre, ngunit walang katumbas, Awa'y dumaloy mula sa krus ng Kalbaryo. Buhay na iyong ibinayad upang matu bos ang aking sala Huwag sanang malimot ng aking puso . Ikaw ang kayamanang walang hanggan. Tulungan Mo akong ang regalong ito ay ingatan Mamuhay nang may banal na paggalang. Ang Iyong biyaya'y sapat. Libre, ngunit walang katumbas ang halaga, [Bridge] Banal, banal ang biyayang kaloob Banal ang pangalan ni Hesus! Nawa'y balutin ng kababaang-loob, Maipahayag sa buhay natin ang katotohanan. Hindi namin ipagpapalit ang Iyong kaluwal hatian Sa papuri at palakpak ng sanli butan. Ang Iyong kaloob ay aming iingatan, At hanggang wakas, aming ipapahayag! [Final Chorus] Libre, ngunit walang katumbas, Si Cristo ang nagbayad ng pinakamataas na halaga, Ikaw ang kayamanang walang hanggan. Nawa'y sa amin ang Ebanghelyo'y magningning, At ang buhay namin ang magsabi ng Iyong halaga. Libre, ngunit walang katumbas Sa buong buhay, pinakamahalagang regalo na aming tinanggap. [Outro] Biyaya'y libre... Ngunit walang katumbas ang halaga. Si Cristo ang nagbayad. Kaya't Siya ay karapat-dapat ibigin, Ang Ebanghelyo'y iingatan, Ang liwanag nito'y aming ipapahayag.